HEARING AID
MAY problema po ako sa pandinig. Wish ko pong magkaroon ng hearing aid, pero wala akong kakayahang bumili dahil mahirap lang ako.
...8671
TUGON: Isalin mo sa liham ang iyong kahilingan. Hindi tumatanggap ng text message ang ahensiyang ating lalapitan para matugunan ang iyong nais. Banggitin mo ang tunay mong pangalan at complete address. Lakipan mo ito ng income and financial certification mula sa iyong barangay. Ang dokumentong ito ang magpapatunay na wala kang kakayahang bumili ng hearing aid. Lakipan mo ito ng sipi o photo copy ng clinical and medical abstract mula sa government doctor na maglalahag ng iyong diperensiya sa pagdinig.
-o-o-o-
MAG-AARAL SA KOLEHIYO
AKO po si Gretchen Puspus, ng Davao City. Wish po naming magpinsan na si Reynald Galo na makapag-aral sa kolehiyo.
GRETCHEN PUSPUS
TUGON: Isalin mo sa liham ang inyong kahilingan. Hindi tumatanggap ng text message ang ahensiyang ating lalapitan para matugunan ang iyong nais. Ang inyong learning average ay kailangang 95% at may extra-curricular activity sa paaralan para mabigyan kayo ng scholarship. Isasailalim din kayo sa initial interview bago maproseso ang inyong scholarship.