PAG-AARAL
AKO po si Amy, ng Calzada, Jovellar, Albay. Wish ko pong makapagtapos ng pag-aaral. Ako po'y single mother at walang trabaho nga-yon.
AMY
TUGON: Isalin mo sa liham ang iyong kahili-ngan. Hindi tumatanggap ng text message ang ahensiyang ating lalapitan para matugunan ang iyong kahilingan. Meron ta-yong hinihinging mga documentary requirements para maisumite natin ang iyong kahilangan. Ito'y ang income and financial certification mula sa iyong barangay at scholastic at extra-curricular activities record mo sa paaralan. Kailangan ang iyong average ay 95%.
-o-o-o-
PAMANGKIN
WISH ko pong makausap ang aking pamangkin na si Christian Cumal kahit sa cellphone man lang. Mama Didi po niya ito, ng Negros Occidental.
MAMA DIDI
TUGON: Inilalathala natin ang iyong kahilingan para mabasa ng iyong pamangkin o ng sinumang nakakikilala sa kanya para ipabatid sa kanya ang iyong nais. Inilalathala rin natin ang iyong number, 0916-4920529, para sa mas madaling pakiki-pagtalastasan.