ALAGANG BAKA
AKO po si Gilberto Bete, ng Cagayan de Oro City. Wish ko pong magkaroon ng baka na aalagaan. Matagal ko nang pangarap na magkaroon ng palalakihing baka. Maliit lang ang suweldo ko bilang security guard.
GILBERTO BETE
TUGON: Isalin mo sa liham ang iyong kahilingan. Hindi tumatanggap ng text message ang ahensiyang ating lalapitan para matugunan ang iyong nais. Lakipan mo ito ng income and financial statement mula sa iyong barangay. Isasangguni natin sa kinaukulan ang iyong liham para matugunan ang iyong nais. O kundi'y maaari kang magsadya sa regional office ng Bureau of Animal Industry at alamin ang programang cattle dispersal.
-o-o-o-
PUHUNANG DI 5/6
AKO po si Rosela Taguran, ng Cotabato City. Tatlo ang anak ko at hiwalay sa asawa. Meron akong negosyo pero galing ito sa 5/6. Wish ko sanang magkaroon ng puhunan na hindi galing sa 5/6.
ROSELA TAGURAN
TUGON: Isalin mo sa liham ang iyong kahilingan. Hindi tumatanggap ng text message ang ahensiyang ating lalapitan para matugunan ang iyong nais. Lakipan mo ito ng income and financial certification mula sa iyong barangay. Maaaring magpadala ng kinatawan ang ahensiya sa iyong lugar para magsagawa ng initial interview.