Derek, Angelica adik daw sa sex?
Zoren lumipat na rin sa ABS-CBN
NOW it can be told, Kapamilya na nga si Zoren Legaspi dahil kasalukuyan na siyang nagte-taping para sa teleseryeng Agua Bendita bilang ka-love triangle nina Vina Morales at John Estrada.
Kami ang nagtanong noon kay Zoren sa presscon ng "Shake, Rattle & Roll" last December kung lilipat na siya sa ABS-CBN kasama si Carmina Villaroel at ang kambal nilang sina Maverick at Cassandra, ang sabi lang noon ng actor, “Tingnan natin, may negosasyon, pero wala pang final decision.”
At nu’ng matunugan ito ng GMA 7 dahil nga tsinugi na ang Sis that time ay hinabol ng Kapuso network si Carmina, isang guaranteed P10 million-contract ang in-offer sa misis ni Zoren.
Ayon sa business unit head ng Agua Bendita na si Deo Endrinal, “Hindi exclusive contract ang offer namin kay Zoren, per show lang, like sa Agua Bendita, sabi ko sa kanya, let’s see muna. Kung okey, e, di dadagdagan, pero as of now, walang exclusive contract sa amin si Zoren.”
At kahit na isang show lang si Zoren sa ABS ay masayang-masaya pa rin daw si Carmina, sa isang shoutout niya sa kanyang Facebook, “I will miss working with my Dinosour, I’m sure that they (ABS-CBN) will they care of him and treat him like Kapamilya. Goodluck Hon, and congrats to your new show. Tayo ay Kapamilya at Kapuso.”
Mukhang magtatagal si Zoren sa ABS-CBN dahil marami pang upcoming shows na puwede siyang isama. Ang natunugan nga namin, isa siya sa mga pinagpipilian para sa isang role sa susunod na show ni Jolo Revilla sa Agimat, ang Kapitan Inggo, Kumakain Ng Bala. At higit sa lahat, matutuwa tiyak ang katotong Julie Bonifacio na talagang paborito si Zoren, di ba ateng?
Speaking of Jolo Revilla, very proud ang magulang niyang sina Sen. Bong Revilla at Lani Mercado dahil ang sipag-sipag daw nitong sumama sa mga kampanya ng ama. Tulad ni Bong, nag-leave muna si Jolo sa showbiz dahil nga bisi-bisihan siya sa mga campaign sorties ni Bong.
“Heto nga, pumuputok na ang balat ko sa init ng araw, pero ang sarap, masaya kasi napupuntahan ko ‘yung mga lugar na hindi ko pa napupuntahan, marami rin akong nakikilalang mga tao,” masiglang kuwento ni Jolo sa ginanap na pa-dinner ni Mother Lily Monteverde para kay Sen. Bong.
At ang nakakaloka, kaarawan ni Jolo nu’ng Lunes, March 15, pero nasa initan daw siya that time kasama ang kanyang ama. Wala na raw siyang planong i-celebrate ang kanyang kaarawan dahil nga ngarag-ngarag siya sa kampanya.
“Nagulat ako, pagdating ko sa headquarters namin, may surprise ang mga kasama ko at naroon ‘yung ibang kasama ko sa Pepeng Agimat, nandoon din si Mel (Melissa Ricks), nakakatuwa nga, nagulat talaga ako sa kanila, sobrang na-touch ako!” naniningkit ang mga matang kuwento pa ng batang actor.
Sa totoo lang, naaliw kaming tingnan si Jolo kasama ang anak niyang si Gab, di ba bossing Ervin? Inglesero ang bagets samantalang purong Tagalog naman kung makipag-usap si Jolo sa anak. Aminado si Jolo na loveless siya ngayon pero masaya naman daw siya dahil nga maganda ang nangyayari ngayon sa buhay niya, “Busy sa kampanya tapos, heto, pictorial ko na for Kapitan Inggo (kahapon). So okey lahat, kumbaga, smooth sailing ang career ko.”
Nabanggit din ni Jolo na may offer pala ang GMA 7 sa kanya, pero tinanggihan niya dahil nga bisi-bisihan siya sa kampanya at, “Siyempre po, priority ko ang ABS-CBN, sabi ko nga, maganda at happy ako sa ABS, so siguro dito muna ako.”
Heto pa, ang gusto niyang leading lady sa Kapitan Inggo ay si Melissa Ricks daw ulit dahil maganda raw ang chemistry nila at kampante na sila sa isa’t isa. Biniro nga namin si Jolo na baka naman talagang desidido na siyang agawin si Melissa kay Jake Cuenca.
“Ha! Hindi po, magaan kasing katrabaho si Mel, saka kilala ko na siya. Siyempre po kapag iba, medyo mangangapa na naman, alam mo ‘yun?” nakangiting sabi pa ng aktor.
Ikaw bossing Ervin, sino ang type mong leading lady ni Jolo? (Puwede ba si Melai? Ha-hahaha! Joke! O, sige si Shaina Magdayao na lang! – Ed)
Natulala kami kahapon sa isang picture na nakita namin, naglalambingan sina Derek Ramsay at Angelica Panganiban sa dagat – kung saan ang isang kamay ni Angelica ay nakapasok mismo sa loob ng briefs ni Derek na halatang enjoy na enjoy sa ginagawa ng kanyang girlfriend.
Sabi nga ng isang nakakita rin sa litrato, “Okey lang ‘yun, kaso masagwang tingnan kasi parang lumalabas na mahilig sila sa sex as in ‘yun ang pinagkakasunduan nila.
Sundot naman ng isang katoto, “Hayaan mo na, ganu’n talaga para hindi ka iwan ng lalaki, e, di ba nga, kamuntikan na naman sila, e, di hayan. Ang galing-galing siguro ni Angelica sa kama, ‘no! Kitang-kita naman sa Rubi na magaling siya sa kama, sa galaw na lang ng katawan niya, eh. Siguro nag-iinit din sa kanya sina Diether (Ocampo) at Jake (Cuenca)!”
Ano kaya ang masasabi rito nina Derek at Angelica? Reaction please!