Quantcast

Showbiz

You are here: Home > Balita > Showbiz

 

John Lloyd mas pinili si Shaina, tinapon si Ruffa

John Lloyd mas pinili si Shaina, tinapon si Ruffa

NAGULAT ang lahat ng mga nakikiramay sa burol ng ina ni Nay Cristy Fermin na si Gng. Lucila S. Fermin sa Funeraria Nacional nu’ng Martes nang gabi nang biglang dumating si Kris Aquino kasama ang kaibigang talent manager na si Jojie Dingcong at personal assistant na si Alvin Cagui, alam naman kasi sa apat na sulok ng showbiz na may gap ang dalawa.

Nang makita nga kami Nay Cristy, ang sabi niya, "Naku, headline tayo nito bukas! Pero anak, nag-aral naman ako sa kolehiyo,” na ang ibig sabihin ni Nay Cristy ay hindi niya magagawang bastusin si Kris dahil nag-effort naman ito na makiramay sa kanilang pamilya.

Maraming nagmamasid kina Nay Cristy at Kris kung ano ang mga susunod na mangyayari, pero nabigo na makakita ng eksena dahil naging very civil ang dalawa habang nag-uusap. Pero may napansin kami kay Kris, umiikot ang mga mata niya sa mga bulaklak, inaalam siguro kung sinu-sino na ang nakiramay sa pamilya ni Nay Cristy.

Ilang sandali ay lumabas na sina Kris at nagpaalam na, pero naloka ang lahat nang nakarinig sa takbo ng usapan ng dalawa dahil nagkaroon pa rin pala ng tension sa huling sandali.

Kris: O, paano, open (communication) na tayo, ako, I came in person, ako lang sa taga-ABS who came in person, wala silang padalang bulaklak man lang.

Nay Cristy: Anong wala, hayun, pinababa ko lahat. Kumpleto nandoon lahat sa baba.

Kris: Okey, basta open na tayo, ha. Ikaw nga, eh, you didn’t go to my Mom’s (ex-President Corazon Aquino) wake, ako nag-punta.

Nay Cristy: Kung nagbabasa ka ng kolum ko araw-araw, daig ko pa ang pumunta at nagpadasal.

Jojie: She’s (Cristy) right Kris, everyday, sinusulat niya ang mom mo, hindi ka kasi nagbabasa ng tabloids.

Kris: Okey, sige so, okey na.

Jojie: So, Kris, maggi-guest ka na ba sa show ni Cristy sa TV5 (Paparazzi)?

Kris: Naku, hindi puwede, mawawalan ako ng trabaho (sabay tawanan ang lahat)!

At nang tanungin namin si Nay Cristy kung ano ang feeling niya matapos silang mag-usap ni Kris, “Anak, tandaan mo ito, madali akong kausap, malalim ang sugat na nangyari sa amin, pero hindi ako bastos na tao at na-appreciate ko naman ang ginawa ni Kris. Pero siyempre, nasa utak ko pa rin na malapit na ang eleksiyon.

At ang sabi naman ni Kris, “I hope, okey na kami ni tita Cristy, kung dati 10% ang galit niya, 4% na kaming okey.”

Samantala lumipad na si Kris kahapon patungong Zamboanga kasama si James Yap para sa kampanya ni Sen. Noynoy na nasa Cotabato City kahapon.

Ang mag-asawang Nonito at Rachel Donaire ang latest endorsers ng Mikaela aesthetic clinic, at dahil diyan hindi na maiiwasang maikumpara sila kina Jinkee at Manny Pacquiao since pareho ngang nasa linyang boxing ang dalawang lalaki.

Pero para sa amin ay hindi puwedeng ikumpara ang dalawang couples dahil pangmasa sina Jinkee at Manny samantalang sina Nonito at Rachel ay pang AB crowd dahil na rin sa galing nilang mag-English lalo na si misis na laking Tate ring tulad ni Donaire. ‘Yun nga lang, pareho namang taga-General Santos sina Nonito at Pacman.

Samantala, tinanong naman si Mikaela tungkol kay Pops Fernandez na matatandaang dati ring endorser ng kanyang klinika pero nagkaroon nga sila ng text controversy last year kung saan nasangkot si Gretchen Barretto na kaibigan ni Pops.

Say ni Mikaela hindi pa sila ulit nagkikita at nagkakausap ni Pops pagkatapos ng intriga at ayaw na rin niyang maalala ‘yun dahil 2010 na at gusto na niya ng peace of mind. Pero ito lang ang binitiwan niyang salita, “Hindi ako ipinanganak para matakot kay Gretchen Barretto!”

Kinumpirma sa amin ng isang source na magsyota na nga sina John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao. Nakita ang dalawa habang nagsa-shopping sa Shangri-La nu’ng nakaraang Biyernes.

Ayon sa mga nakakita ay galing sa pamimili si Shaina sa isang boutique at bitbit naman ni Lloydie ang mga pinamili ng aktres. Out in the open na raw ang dalawa sa kanilang relasyon. Matatandaang pinagharap sina Shaina, Lloydie at Ruffa Gutierrez sa office ng Star Magic, pero wala nang lumabas na balita pagkatapos nito.

Base sa mga nakakita kina John Lloyd at Shaina ay hindi na nila itinatago ang relasyon nila at balita rin namin, mas boto raw ang mga magulang ng actor kay Shaina kaysa kay Ruffa.

Madalas din daw nakikita si Shaina na dumadalaw sa bahay nina Lloydie. Kaya parang may hula na kami na kaya siguro sobrang emotional si Ruffa nu’ng nakaraang Linggo sa The Buzz ay dahil mas pinili ni John Lloyd si Shaina over her. So, case closed bossing Ervin.

Share

Related Stories

Other Stories

Bandera

Basahin ang kumpletong balita at maiinit na chika sa Bandera. Para sa mga taga-Metro Manila, maaari kayong bumili o mag-subscribe sa Bandera. Tumawag lamang sa 8902351.

Back to top ^

Article Services

  • Reprint
  • Print
  • Send as E-mail
  • Feedback
  • Comment
  • Share
 

Hottest Tags