Quantcast

Showbiz

You are here: Home > Balita > Showbiz

 

Christian walang time mambabae

Christian walang time mambabae

Baby James tuloy na ang pag-aartista

TUWING araw ng Linggo ay nasa Balut, Tondo kami para sunduin namin ang aming anak na si Patchot kaya updated kami sa mga projects ni Manila Vice Mayor Isko Moreno tulad ng pagbibigay niya ng libreng pag-aaral ng computer para sa mga kabataan.

Matagal-tagal na rin naming hindi nakita si Isko kaya nagulat kami nang marinig namin siyang magsalita sa presscon ng Fragrances of The Stars kasama ang kumakandidatong Vice Mayor naman ng Quezon City na si Konsehala Aiko Melendez bilang mga celebrity endorsers.

Bulungan nga ng mga katoto, napakalaki na talaga ang ipinagbago ni Isko mula sa nakatanim sa aming isipan bilang artista noon dahil ngayon ay respetadong-respetado na talaga ang dating niya at mapapahanga ka sa kanya kung paano na siya magsalita.

At kasalukuyan pala siyang nag-aaral ng Law sa Arellano University kaya lalo kaming humanga sa kanya dahil talagang pinaghahandaan niya ang napiling propesyon.

Sabi nga ni Absy Dacer na may-ari ng Fragrances of the Stars, masuwerte sila dahil pumayag sina Isko at Aiko na i-endorse ang kanilang mga produkto. Si Absy Dacer ay kapatid naman ng radio host na si Kaye Dacer na kilala sa public service.

Tuloy na ang two-night concert ng Swatch endorser na si Christian Bautista sa Music Museum sa March 13 and 14, ang "Romance Revisited". Apecial guests niya rito si Karylle. Sina Christian, ang tinaguriang Asian Music Icon of the Philippines at ang Swatch, ay limang taon ng masasabing "together playing beautiful music."

Right after the concert, lilipad agad si Christian patungong Thailand sa March 18 para i-represent naman ang Pilipinas sa Pattaya Festival, ito ang pinakamalaking summer event sa Bangkok.

Dahil nga naturingang Asia's Pop Idol at Romantic Balladeer, pinili si Christian ng Grammy, ang pinakamalaking independent record label at media conglomerate entertainment company sa Thailand para mag-perform sa main event ng festival. Dinadaluhan ito ng humigit-kumulang 30,000 local and foreign tourists! At habang nasa Thailand, magiging busy si Christian sa promo ng nasabing event sa iba’t ibang TV station doon at sa ilang presscons. Kaya huwag na tayong magtaka kung maging superstar din si Christian sa Thailand.

Hit na hit na ngayon sa Indonesia at Malaysia ang kanyang latest single na "Anagurah Cinta" kung saan kasama niya ang sikat na Malaysian singer na si Noryn Aziz. Malapit na ring i-launch sa dalawang bansa ang Bahasa version ng kanyang "Please Be Careful With My Heart" para mapabilang sa release ng kanyang album ngayong Abril na idi-distribute ng Universal Music Malaysia. Napakagandang balita nito kaya naman ayon sa Universal Records General Manager na si Kathleen Dy Go, handa na silang itodo ang marketing kay Christian sa Singapore, Hongkong, Taiwan, South Korea at iba pang parte ng Asia.

Bukod diyan, nakatakda ring gumawa ng isang pelikula at teleserye sa Thailand si Christian.

Tungkol naman sa lovelife, may idine-date naman daw ngayon si Christian, pero ayaw na niyang idetalye ang tungkol dito, hindi rin niya sinabi kung taga-showbiz ang babae o hindi.

Pero aniya, "Ayoko munang pumasok sa isang relasyon dahil I know hindi ko rin mabibigyan ng enough time yung girl, so unfair din sa kanya kung ganu’n, di ba? Gusto ko kapag nagka-girlfriend ako, may enough time na ako for her."

Nag-taping na pala ang anak nina Kris Aquino at James Yap na si Baby James para sa teleseryeng Kung Tayo’y Magkakalayo ng ABS-CBN. Hindi lang namin alam kung ano ang magiging role ni Baby James sa soap opera ng kanyang mommy, pero ang sigurado kami, talagang si Kris ang pumili ng mga damit na isusuot ng kanyang anak sa serye.

Noong makausap namin si Kris tungkol sa pag-aartista ni Baby James, kitang-kita namin sa kanya ang sobrang excitement, pero aniya, sisiguraduhin pa rin niyang hindi mapapagod ang bata at matatapos ang taping niya sa itinakdang oras dahil siyempre, ayaw din niyang i-compromise ang health ng bagets.

Sabi pa nga ni Kris one time na nakachikahan namin siya, maliit na role lang ang gagawin ni Baby James, hindi naman daw siya papayag kung magiging patayan ang taping ng bagets.

"Dini-discuss nga namin na parang sabi ko, 'Mag-aaway-away tayo kung pipilitin niyo siyang umiyak.' Di ba, baka naman psychologically ma-warp na siya at such an early age. 'Yung role, basically, he came as a gift to the family noong time na medyo nagkakagulo ang family."

Hintayin na lang natin ang paglabas ni Baby James sa Kung Tayo’y Magkakalayo at sabay-sabay nating husgahan kung may future nga ang bata sa pag-aartista.

Share

Related Stories

Other Stories

Bandera

Basahin ang kumpletong balita at maiinit na chika sa Bandera. Para sa mga taga-Metro Manila, maaari kayong bumili o mag-subscribe sa Bandera. Tumawag lamang sa 8902351.

Back to top ^

Article Services

  • Reprint
  • Print
  • Send as E-mail
  • Feedback
  • Comment
  • Share
 

Hottest Tags