Quantcast

Showbiz

You are here: Home > Balita > Showbiz

 

Sexy actress boba sa politika, puro pa-cute

Sexy actress boba sa politika, puro pa-cute

ANG akala siguro ng isang sexy actress ay napakasimple lang ng pakikilahok sa pulitika. Ang interpretasyon yata niya sa bagong mundong pinasok niya ay pagkaway-kaway lang sa kanilang mga nasasakupan at pagdidispley-displey sa kung saan-saang lugar ng kanilang distrito.

Hanggang du’n lang ang alam niya, hindi niya inaasahan na bukod du’n ay marami pa pala siyang dapat malaman, kailangan pala niyang mag-aral ng kanyang leksiyon para hindi siya mapahiya. Dati nang may kahinaan ang kukote ng sexy star na ito, kumbaga sa ilog ay napakababaw niya, kaya takot na takot siyang sumalang sa mga seryosohang interbyuhan.

Ayon sa aming impormante, “Nakakaawa siya, idinadaan lang niya sa pagpapa-cute ang mga ibinabatong tanong sa kanya tungkol sa pulitika. Wala siyang maisagot, lumulusot na lang siya, kasabay ang pagpapa-cute niya.

“Kasi naman, pasok siya nang pasok sa isang linyang wala naman siyang alam, ang akala siguro niya, e, pagkaway lang sa mga tao ang dapat niyang gawin, nakakaawa talaga ang babaeng ‘yun!” kuwento ng aming source.

Mula sa pamilya ng mga pulitiko ang sexy star na ito, nasa mundo ng pulitika ang kanyang lolo at ama, kaya nabighani na rin siyang makilaro sa bagong mundong ‘yun.

“Pero naman, kailangan niya talagang mag-aral kundi man siya makapagse-seminar, magbasa-basa naman siya ng mga broadsheet, para alam niya ang mga nangyayari sa bayan natin. Laman naman siya ng mga tabloids, pero ang entertainment page lang ang binabasa niya, wala siyang pakialam sa ibang balita, kaya para siyang ipinanganak kahapon kapag nababato na siya ng mga tanong tungkol sa mga problema ng bayan natin.

“Hindi niya alam ang VFA, hindi rin niya alam kung ano ang nangyaring massacre sa Mindanao, paano siya makikipaglaban ng debate kung ganu’n siya kasyunga? Nakakaawa siya, parang nabigla lang siya sa pagdedesisyon, parang hindi niya naman alam kung ano ang paghamong pinasukan niya,” napapailing pang kuwento ng aming source.

Hindi nga naman puwede ang basta pagpapakyut lang sa entablado ng kampanya, kailangang may alam siya tungkol sa mga nangyayari sa ating bayan, du’n siya susukatin ng mga nasasakupan niya. Hindi niya naman kailangang magkaroon ng mina ng ginto ng katalinuhan, kailangan lang niyang masagot ang mga sitwasyong nagaganap sa bansa natin ngayon, gets n’yo na kung sino siya?

Bakasyon-grande talaga ngayon si Willie Revillame. Natupad ang pamamahingang hiniling niya sa mga bossing ng ABS-CBN, dahil isang buong linggo siyang wala sa Wowowee, nagpapakasarap siya ngayon sa paglulunoy sa karagatan ng Boracay.

Sa kanyang yate lang sila nakatira ng kanyang mga kaibigan, daig pa nu’n ang isang bahay sa sobrang kakumpletuhan ng mga kagamitan, kaya hindi niya na kailangang kumuha ng lugar kung saan sila pansamantalang maninirahan ng kanyang grupo.

Pero nang malaman ng management ng Discovery Shores na nandu’n pala siya ay binigyan si Willie ng suite ng resort, nagbigay pa ng isang masaganang dinner para sa kanyang tropa ang may-ari nito, meron pang fireworks nu’ng salubungin nila ang kaarawan mismo ni Willie.

Puro lalaki silang magkakasama sa bakasyong ito, puro mga kaibigan niya nu’ng bata pa siya ang kasama ng aktor-TV host, mga taga-Nueva Ecija. Zero ang lovelife ngayon ni Willie, ilang buwan nang tapos ang relasyon nila ni Nadine, kaya libreng-libre na naman ang puso ngayon ng sikat na TV host. “Alone, but not lonely,” nagbibiro pang sabi ni Willie nu’ng magkausap kami.

Share

Related Stories

Other Stories

Bandera

Basahin ang kumpletong balita at maiinit na chika sa Bandera. Para sa mga taga-Metro Manila, maaari kayong bumili o mag-subscribe sa Bandera. Tumawag lamang sa 8902351.

Back to top ^

Article Services

  • Reprint
  • Print
  • Send as E-mail
  • Feedback
  • Comment
  • Share
 

Hottest Tags