Quantcast

Showbiz

You are here: Home > Balita > Showbiz

 

Ex-child star idinemanda si Bistek

Ex-child star idinemanda si Bistek

Smile pa lang ni Gerald makalaglag-panty na

SHOWING na ang latest offering ng Star Cinema na "Paano Na Kaya" starring Kim Chiu and Gerald Anderson at talagang hanep ang pagdagsa ng manonood sa mga sinehan. Pinatunayan muli ng Star Cinema na sila talaga ang undisputed box-office maker sa movie industry. My gosh! Mukhang itataob nito ang past hits nila, ha!

Ngayon ay napatunayan na namin na talagang ganu’n ka-powerful ang tambalang Kim-Gerald. Meaning, solid na solid na talaga ang loveteam nila sa loob ng tatlong taon.

In fairness naman kasi sa pelikula, panalo rdaw talaga ang kuwento nito at lahat ng artistang involved ay magagaling. At base sa mga comments na natatanggap namin mula sa mga nakapanood na ng movie, talaga raw nakakakilig ito.

One reason probably kung bakit tinanggap ng mga tao ang tambalang Kim-Gerald ay dahil mabubuti ang puso ng dalawang batang ito. Wala silang pretensiyon. What you see is what you get, ika nga. Hindi man nila diretsahang sinasabi na sila na, talagang mararamdaman mong they are very special to one another.

At grabe itong si Gerald ngayon, ha! Talagang ngumiti pa lang siya ay laglag na ang panty mo! Ha-hahaha! Napaka-gentleman pa nitong batang ito, at kami na mismo ang nagsasabi na mula noon hanggang ngayon ay napaka-humble pa rin ng bagets. Never siyang nagbago. In fact, lalo pa nga siyang bumait ngayong sikat na sikat na siya. Hindi tulad ng iba diyan na sumikat lang nang kaunti, e, akala mo kung sinong superstar na kung umasta.

Anyway, congrats sa lahat ng mga taong involved sa "Paano Na Kaya".

Nalulungkot ako sa sinapit ng relasyon ng magkaibigang Carlos de Leon and Vice-Mayor Herbert Bautista and family. Kasi nga, the former child stars (magkasama sina Carlos and Bistek noon sa TV show na Kaluskos Musmos) and from then on, they became buddies na, as in talagang close, ha! Huwag na nating bilangin kung ano ang mga tulong na naibigay nila sa isa't isa dahil hindi naman talaga nababayaran ang utang na loob.

Carlos worked for Bistek as security adviser and what not. Magkaibigan silang matalik, as in parang magkapatid na ang turingan nila. Ang isyung ni-raise lang naman ni Carlos ay yung tungkol sa hindi legal na pagkuha diumano ng kampo ni Bistek ng kanilang printing machine sa kanilang opisina.

I saw the papers kung saan nakasaad that the machine is owned by Carlos at hinuhulugan pa niya ito sa kanyang supplier. Sabi ni Caloy, he hired daw Hero Bautista, Bistek's younger brod, as finance officer ng office niya. Pero nagulat na lang daw si Carlos nang minsang pumunta siya sa opisina nila at bigla siyang harangin ni Hero at sinabihang next day na lang bumalik.

Nagtaka si Carlos kung bakit ganu’n ang asta ni Hero pero sumunod na lang daw siya sa sinabi nito. Just to find out na nawawala na raw ang kanyang printing machine sa office. Pilit daw ipinakuha ito sa utos daw ng Office of the Vice-Mayor at dinala sa bahay ni Harlene Bautista.

"Natural na magagalit ako. The fact is, hindi ko pa fully-paid yung machine na iyon at ano ang karapatan nilang kunin ‘yun sa opisina ko without my knowledge? Nang tanungin ko sila kung bakit, aba'y sabihin ba namang magdemanda na lang ako kung gusto ko. Puwes, nagsampa nga ako ng kaso laban sa kanila.

"Mahirap pala pag ang nakalaban mo ay parang kapatid na ang turing mo buong buhay mo. Masakit para sa akin ang ginawa ko pero ako naman ang naiipit ngayon. Pinaghirapan ko ang aking maliit na negosyo, kaya sana huwag naman ganyan.

"After kong magsampa ng kaso, marami na ang nangha-harass sa pamilya ko. Natural, kinakabahan ang mga magulang at mga kaanak ko, sino ba naman kami para lumaban sa kanila?" ani Carlos na masamang-masama ang loob sa pamilya ni Bistek.

Para sa balanseng pamamahayag, bukas po ang pahinang ito para sa eksplanasyon ng pamilya Bautista. At kami’y nagdarasal na sana’y maayos na ang isyung ito sa pagitan ng dating magkaibigan, sayang naman kasi ang ilang dekadang pinagsamahan nila kung masisira lang, di ba? Good luck to all of you. Pareho namin kayong mahal.

Share

Related Stories

Other Stories

Bandera

Basahin ang kumpletong balita at maiinit na chika sa Bandera. Para sa mga taga-Metro Manila, maaari kayong bumili o mag-subscribe sa Bandera. Tumawag lamang sa 8902351.

Back to top ^

Article Services

  • Reprint
  • Print
  • Send as E-mail
  • Feedback
  • Comment
  • Share
 

Hottest Tags