Quantcast

Showbiz

You are here: Home > Balita > Showbiz

 

Tetchie Agbayani payag gumanap na Marlene Aguilar

Tetchie Agbayani payag gumanap na Marlene Aguilar

Boy Abunda ayaw i-manage si Angel

MASARAP palang interbyuhin si Ms. Tetchie Agbayani, may sense of humor kasi ang dating model ng Playboy magazine, unlike sa ibang veteran actress na masyadong seryoso kaya nakaka-bore kausap.

Sa Habang May Buhay presscon habang nakaupo si Ms. Tetchie sa presidential table ay iisa ang napansin ng ilang katoto, kahawig daw niya ang ina ni Jason Ivler na si Marlene Aguilar-Pollard, sinabi namin ito sa kanya at ang sagot ng aktres, “Really? Dahil pareho kaming big eyes? Or dahil exotic beauty din siya?”

Kaya ang next question namin, halimbawang may anak siyang nasangkot sa barilan tulad ni Jason Ivler itatago rin ba niya ito tulad ng ginawa ni Marlene? “Ay no! isusuko ko ang anak ko definitely, hindi ko siya itatago kasi mas lalong malalim ang huhukayin ng batas nu’n.

“Ang gagawin ko, lahat ng Fortun (lawyers) ay iha-hire ko para ipagtanggol ang anak ko at wala akong pakialam sa gastos just to prove na walang kasalanan ang anak ko.

“Well, I can speak for myself, mahirap kasi kapag anak mo na ang involved, hindi natin masabi tulad nu’ng kay Marlene, but you know, I admire her, ang galing niya, bilib ako sa kanya. Gusto ko siyang makilala,” sabi ng magaling na aktres na isa ring Psychology professor.

Kung gagawing pelikula ang buhay ni Marlene at siya ang kukuning bida, tatanggapin ba niya? “I love to, why not? Siyempre, I will do my research kung sino si Marlene, hindi ko kasi siya personal na kilala at mukhang makulay ang buhay niya, pang MMK (Maalaala Mo Kaya) yata, basahin ko nga ang mga libro niya,” sabi pa ni Tetchie.

At hindi naman nagkakalayo sina Tetchie at Marlene bilang ina dahil sa tunay na buhay ay sobrang protective rin ng una sa nag-iisang anak na babae. “May daughter is already 17, nasa college na, di ba? Sa exclusive school for girls ko siya in-enroll kasi noong high school pa lang, may nagpapadala na ng flowers, e, ayoko, sabi ko, hindi puwede, alangan naman sa ‘yo, meron, sa akin wala?” pabirong kuwento ng aktres. “Kaya when she entered college, sa exclusive school ko na siya dinala."

May nagbiro naman kay Tetchie na baka raw ligawan ng mga tibo ang kanyang nag-iisang anak? “Ay na-orient ko na rin ang anak ko na ‘no lengua-estofada’ dapat at nagka-intindihan naman kami! Ha-hahaha!”

Samantala, protective mom pa rin ang role niya sa Habang May Buhay. Siya ang gaganap na ina ni Derek Ramsay sa nasabing teleserye starring Judy Ann Santos.

Follow-up ito sa nasulat namin dito sa BANDERA kahapon tungkol kay Angel Locsin na balitang nagpapa-manage na ngayon kay Boy Abunda, pinuntahan namin ang co-host ni Kris Aquino sa SNN studio the other night para linawin ang isyu.

“Actually, nagulat ako nu’ng una kong marinig ‘yan kasi walang pinanggagalingan,” bungad ni Boy.

“Hindi kami nag-uusap ni Angel kaya walang pinanggagalingan. I haven’t seen Angel for a long time, we haven’t talk, I haven’t spoken to Becky (Aguila). Ibig sabihin, may mga usapang pinanggagalingan, either biro o may nag-usap, nagkasalubong, or you sent feelers. Wala talaga, eh. Kaya nu’ng binanggit ito sa akin, I was shocked, surprised.

“Ang tanong pa nga, paano kung lumapit sa akin si Angel? Hindi ganu’n ‘yun, Ang sistema namin, kung sa PAMI (samahan ng talent managers), halimbawa, may mga artistang lumilipat ng managers, nag-uusap kaming managers kung okey tanggapin ang isang artista. Ano ba ang problema ninyo?

“Kung acceptable sa akin ang dahilan magpapasintabi ako, kasi ang pananaw namin kaysa mapunta sa hindi ka-member, kakilala, kaibigan. With Becky, even she’s not a member of PAMI, but she’s my friend.

“Kung halimbawa may nagpadala ng feelers sa akin si Angel, kakausapin ko muna si Becky. As a matter of fact today, I was planning to call her (Becky), pero parang napaka-defensive ko naman yata. I wanted to call Becky, I wanted to call Angel, pero hindi ko na rin ginawa kasi parang nailang ako."

Halimbawang okey na nga lahat at lumapit si Angel sa kanya, welcome ba ang aktres? “Ahh, she’s very special to me, si Angel. She’s very special to me, mahirap sagutin ‘yung interesado ako because hindi ko alam kung may oras pa ako.

“Ang problema kasi kapag may nagpapa-manage sa akin, lalo na ‘yung may mga pangalan, wala akong oras. I’m very, very busy, pero depende sa requirements,” sabi ni Boy.

Share

Related Stories

Other Stories

Bandera

Basahin ang kumpletong balita at maiinit na chika sa Bandera. Para sa mga taga-Metro Manila, maaari kayong bumili o mag-subscribe sa Bandera. Tumawag lamang sa 8902351.

Back to top ^

Article Services

  • Reprint
  • Print
  • Send as E-mail
  • Feedback
  • Comment
  • Share
 

Hottest Tags