John Lloyd ginawang lasengga si Shaina?
Teleserye nina Angel at Lloydie ‘di na tuloy
GRABE ang mga nagla-labasang issues ngayon about award-winning actor John Lloyd Cruz, ha! Isa na rito ay ang pagkakadawit ng kanyang pangalan sa hiwalayang Shaina Magdayao-John Prats. Ayon sa mga tsismis, siya raw ang nagturo kay Shaina na maglasing, matapos nga itong makipaghiwalay kay John Prats.
Unahin na-ting talakayin ang isyung ito. Unang-una, hindi naman siguro itinatanggi ni John Lloyd na umiinom siya pero para sabihing siya ang nag-impluwensiya kay Shaina na maging lasengga, I don't think that's true. Someone whispered to me na matagal nang umiinom si Shaina, yung mga wine-wine lang, social drinking kumbaga or even drinking with some friends kapag walang trabaho pero not to the point naman siguro na nagiging lasengga na siya.
Hindi pa sila close ni John Lloyd ay marunong nang uminom si Shaina and we don't find it wrong for as long as she knows how to control herself. Magiging masama lang ang pag-inom lalo na sa isang babae kung magiging pakawala na siya o kapag siya na ang nanglalandi sa mga lalaking nakakainuman niya. But Shaina is not like that, dahlins! She is a very decent young girl na hindi pakawala kapag nakainom.
Sa side naman ni Lloydie, ano naman ang masama kung palagi siyang umiinom? There are some people who become better individuals pag nakakai-nom. I mean, outlet niya ito kaya sino tayo para pigilan siya, aber? Tayo rin naman, umiinom, di ba? Tsaka yung sinasabi nilang siya ang third party sa paghihiwalay nina Shaina and John – bakit siya ang sisisihin ninyo kung ayaw na nina Shaina at John sa isa't isa? Kahit ano pa ha-limbawa ang gawin ni Lloydie para agawin si Shaina, kung solid ang relasyon ng dalawa, hindi ito magtatagumpay na mang-agaw, 'no!
At kita n’yo naman, nang mag-break sina Shaina at John, nagsama ba sina Lloydie at Shaina? Hindi naman, di ba? Kaya huwag na ninyong ipilit ang isyu dahil there's really nothing going on between Lloydie and Shaina. Kung nakalusot halimbawa si Lloydie kay Shaina, aba'y hindi na kasalanan ng lalaki ‘yun. Nasa babae iyan, 'no! Kumbaga sa kasabihan, "Manok pa ba ang tatanggi kapag palay na ang lumalapit?" But I'm not saying na nakuha ni Lloydie si Shaina, huh!
Let’s talk business naman. Speaking of John Lloyd, tiyak na magpipiyesta na naman ang mga fans nila ni Bea Alonzo dahil malapit nang ipalabas ang reunion movie nilang "Miss You Like Crazy" na idinirek na napakagaling na si Cathy Garcia-Molina. Showing na ito sa Feb. 24 nationwide.
Bilib din ako sa tambalang Lloydie-Bea, dahil kahit nga wala silang romantic involvement, click na click pa rin sila as loveteam. Parang sila ang new version ng Carmen Rosales-Rogelio dela Rosa or Nida Blanca- Nestor de Villa, Gloria Romero-Luis Gonzales, o ng tambalang Vilma Santos-Christopher de Leon.
Sa pagsasama nilang muli, ano ang masasabi ni Lloydie kay Bea? May nagbago ba sa kanyang leading lady? "I can say na isang mas mature na Bea na ang nakita ko, lalo na in terms of acting. Siyempre tayo, up close napagmasdan natin 'yan dahil ilang taon din kaming nagsama. Nagkahiwalay kami for a short while, tapos nagkasama kami ulit. I think it's safe to say na ang laki ng pinag-mature ni Bea as an actress."
Pagmamalaki pa ni Lloydie sa bago nilang movie ni Bea, "Well, this has to be the most mature love-story movie na ginawa namin, and most daring na rin siguro!"
Para sa mga fans ni John Lloyd, pagkatapos ng "Miss You Like Crazy", tuluy-tuloy nang magiging busy ang aktor dahil sisi-mulan na niya ang teleserye nila ni Bea. ‘Yung tungkol sa pagsasamahan nilang project ni Angel Locsin, ani John Lloyd, "Kasi as of now, si Angel is still doing Kokey. Sa ngayon, hindi pa kami naka-focus. Ako, lahat ng energy ko, dito sa ‘Miss You Like Crazy’ ko muna ibinibigay. Pero after ng movie, pagkatapos maipalabas at makapunta kami sa ibang bansa, dun ko muna iisipin."
I'm not really fond of rap music but here's one to reckon with. One of the pioneers in the Philippine rap industry known as DJ Mastershock is now ready to face the hip hop game again as he releases his new single "Manila Dreams" (Itaas Ang Kamay). This 31-year old veteran is now elevating the Pinoy hip hop music into a higher level with his clubbing style sound.
DJ Mastershock's 3-tracks CD is now out in the market under Two Elements Production. For gigs and updates, just visit his facebook account djmastershock vera.