Bandera / Wish Ko, Give Mo [L,NC]
http://bandera.inquirer.net/wishkogivemo/wishkogivemo/view_article.php?article_id=20100207-5963

HANAP ANG PAMILYA

HANAP ANG PAMILYA

AKO po'y si Rosemarie Santos, ng Menzi, Isabela, Basilan. Ako po'y 16-anyos. Wish ko pong makita at makilala ang aking mama't papa at mga kapatid.

ROSEMARIE SANTOS

TUGON: Inilalathala natin ang iyong kahilingan para mabasa ng iyong mga magulang at mga ka-patid o ng sinumang nakakikilala sa kanila para ipabatid sa kanila ang iyong nais. Inilalathala rin natin ang iyong number, 0927-4134802, para sa mas madaling pakikipagtalastasan.

-o-o-o-

PUHUNAN SA PAGTITINDA

AKO po si Sonia. Wish ko pong magkaroon ng puhunan sa pagtitinda.

SONIA

TUGON: Isalin mo sa liham ang iyong kahilingan. Hindi tumatanggap ng text message ang ahensiyang ating lalapitan para matugunan ang iyong nais. Lakipan mo ito ng income and financial certification mula sa iyong barangay. Banggitin mo rin kung ikaw'y nabiyayaan na ng tulong mula sa anumang lending institution. Maaaring magpadala ng kinatawan ang nasabing ahensiya sa iyong lugar para magsagawa ng initial interview.

^ Back to top
 ©Copyright 2001-2010 INQUIRER.net, An Inquirer Company