Presyo ng langis taas uli
NAGPATONG ng karagdagang 50 sentimo sa bawat litro ng gasolina, diesel at kerosene ang mga kompanya ng langis kamakalawa.
Ito na ang ikatlong beses ngayong buwan na nagtaas ng presyo ang mga kompanyang Petron, Shell at Chevron.
Unang nagtaas ang Petron Corp., pinakamalaking oil retailer at refiner sa bansa, alas-12 ng tanghali ng Martes habang magkasabay naman ang Chevron at Seaoil Philippines sa pag-aanunsyo ng patong sa presyo alas-12:01 ng umaga ng Miyerkules.
Ayon sa tatlong kompanya, kailangan nilang itaas ang presyo ng kanilang mga produkto dahil nagtaasan ang presyo nito sa world market.
Matatandaan na noong Marso 9 ay nagdagdag ng 50 sentimo sa presyo ng gasolina kada litro at 25 sentimo sa presyo ng diesel at kerosene. Noong Marso 3, P1 kada litro ang ipinatong sa presyo ng gasoline habang 75 sentimo sa diesel at kerosene.
—Liza Soriano