‘HerbertBautista’tinadtadng bala
Ni Rodrigo Manahan
DEAD on the spot ang kapangalan ni Quezon City Vice Mayor Herbert Bautista habang sugatan ang dalawang kasama nito makaraan silang barilin ng dalawang di nakilalang lalaki sa Caloocan City kahapon ng umaga.
Hindi na umabot nang buhay nang idating sa San Lorenzo Hospital si Bautista, 31, taxi driver at residente ng Villa Luisa, Bagumbong.
Sanasabing ospital din ginamot sina Elrey Livarez, 19 at Theresa Pacuribot, 17, kapwa ng Deparo.
Sa ulat, nagtatawag ng pasahero si Bautista sa FX terminal sa Deparo Road nang biglang sumulpot ang mga suspek at pinagbabaril siya alas-10 ng umaga.
Tumimbuwang ang biktima habang tinamaan ng ligaw na bala sina Livarez at Pacuribot.
Tumakas ang mga suspek sakay ng isang motorsiklong hindi nakuha ang plaka.
Inaalam pa ng mga pulis ang motibo sa pamamaslang.