Quantcast

Mainit-init Pa

You are here: Home > Balita > Mainit-init Pa

 

Beteranang aktres nuknukan ng plastik

Beteranang aktres nuknukan ng plastik

Angelica, Derek tuloy ang ‘honeymoon’ sa South Africa

TALAGANG nagpasabi at nagbilin si dear idol friend and Batangas Gov. Vilma Santos kay Nay Cristy Fermin na kung puwede ay hintayin naman siya noong Huwebes ng umaga bago ihatid sa huling hantungan si Nanay Silang.

Halos bumigay ng pag-iyak ang kaibigan natin kapatid na Ervin nang ikuwento na niya kay ate Vi ang mga huling sandali ng kanyang mahal na ina. Pinipigilan din namin ang aming mga luha lalo na nang magdasal ang butihing gobernadora at magpabaon ito ng hiling tungkol sa mga kasalukuyan niyang laban sa Batangas.

Matandang kasabihan at pamahiin na nga ang naturang pagbulong sa yumao para ipaabot sa Diyos ang anumang kahilingan, subalit ginagawa pala ito kahit ng isang Vilma Santos. Sa maikling sandali na inilagi niya sa punerarya ay naramdaman namin ang kagalakan sa puso ni Nay Cristy na sobrang nagmamahal din kay Ate Vi bilang isang kaibigan.

Sa mga darating na araw ay maraming magbabago sa pang-araw-araw na gawain ni Nay Cristy. Dasal at hangad pa rin namin na lagi itong mapupunuan ng mga alaala ni nanay Silang at yung “pangako” nitong laging magpaparamdam kahit sa amoy ng pabango, galaw ng papel at iba pang mga bagay na madaling maintindihan ni Nay Cristy.

Soon, sa pagbabalik telebisyon niya para sa dalawang programa ng TV 5, asahan nating mas dobleng inspiradong Cristy Fermin ang mapapanood at makaka-shake nating lahat! Mabuhay ka Nay Cristy!

Sa lamay din ni Nay Silang namin nakatsikahan ang ilang mga artistang nakidalamhati gaya nina papa Derek Ramsay at Mateo Gaudicelli.

Kahit saan mo talaga tingnan ang isang Derek Ramsay, wala kang maaamoy na kung anuman sa pagkalalaki nito dahil sa tindig, pigura, pagsasalita at pagtitig sa iyo ay barakong-barako ito.

Napag-usapan namin ang tungkol sa kanyang knee injury na okey na raw sa ngayon. Isang buwan pala ang hiningi niyang bakasyon mula sa manager niyang si Joji Dingcong dahil magbabakasyon sila ni Angelica Panganiban sa South Africa para manoood ng isang international sporting event.

Pinuri din namin ang galing niya sa Habang May Buhay na isa sa mga top raters ng ABS-CBN sa ngayon at ka-back-to-back pa ng Rubi na pinagbibidahan naman ni Angelica.

Hindi na namin itinanong kung ano ang totoo sa balitang nag-break na sila ni Angelica dahil when he told us of their planned vacation, it is good as saying na maayos ang takbo ng relasyon nila. Ang tanong, matatawag na ba nating honeymoon ang pagbabakasyon ng magdyowa sa South Africa? Ha-hahaha! Aba, hindi malayong biglang magkayayaang magpakasal doon sina Derek at Angelica, ha!

Impressed naman kami sa laki ng ipinayat ng actor-racer na si Matteo Gaudicelli. Hindi naman daw siya naiinip sa kanyang paglabas bilang leading man ni Andi Eigenmann sa Agua Bendita na isa rin sa mga top raters ng Kapamilya network.

“Mas okey nga po ‘yung well-established ang kuwento para pag turn na ng mga roles namin as adults, mas exciting na,” ang pagbabahagi ng guwapong aktor na mahusay ding kumanta at may plano ring maging isang recording artist soon.

Medyo pag-arte muna daw ang focus niya sa ngayon kaya wala pa rin siyang planong magseryoso sa pakikipag-relasyon dahil halos ngayon pa lang daw kung tutuusin siya nagsisimula sa showbiz. “Patingin-tingin na lang muna,” ang matipid nitong naisagot.

Galit na galit ang isang character actress sa kanyang kapwa veteran actress. Ito ang aming napag-alaman nang makausap namin ang isang common friend nila kamakailan.

Paano naman kasi ay saksakan ito ng plastic at tinawag pa nga itong “Tupperware” ng kapwa beteranang aktres.

Nabasa pala kasi ni character actress ang mga papuring ibinigay nito sa isang katrabaho to the effect na ipinagtatanggol pa raw nito kahit na kilalang pasaway ang naturang celebrity.

“Naku, nakatrabaho ko din si _______ (name ng ipinagtatanggol na artista). Alam kong nababalutan ng makapal na plastik ang pagkatao niyan. Pero ang hindi ko masikmura ay ‘yung pagtatanggol ni mare _______ (kapwa veteran actress) na noong araw ay halos makipagpatayan para sa isang lider na sinasamba niya na kalaban nga ng pamilya ng ipinagtatanggol niya ngayon. Kung siraan niya noong araw at pintasan ang mga ito ay maloloka ka lalo na ng maging showbiz ang isa sa mga ito.

“In fact, minsan niyang nasabi na never siyang makikipagtrabaho kay ________ (name ng artistang ipinagtatanggol) dahil sa ginawa ng pamilya nito du’n sa dating sinasaluduhan niyang lider, pero hayun at halos himurin niya ngayon ang tumbong nito sa pagpuri. Nakakadiri!” tsika pa ng character actress.

Share

Related Stories

Other Stories

Bandera

Basahin ang kumpletong balita at maiinit na chika sa Bandera. Para sa mga taga-Metro Manila, maaari kayong bumili o mag-subscribe sa Bandera. Tumawag lamang sa 8902351.

Back to top ^

Article Services

  • Reprint
  • Print
  • Send as E-mail
  • Feedback
  • Comment
  • Share
 

Hottest Tags