Quantcast

Mainit-init Pa

You are here: Home > Balita > Mainit-init Pa

 

BATANGAS CITY

BATANGAS CITY

Politiko sugatan,ex-solider patay sa barilan

SUGATAN ang isang board member matapos barilin ng isang dating sundalo, na napatay naman ng mga tumutugis na pulis kamakalawa ng hapon sa Batangas City.

Dinala sa Batangas Regional Hospital si Board Member Herminigildo Dolor dahil sa tama ng bala sa likod at dibdib, ayon kay Police Regional Office 4A (Calabarzon) spokesman Supt. Jerry Protacio.

Nakikipag-usap aniya si Dolor sa tatlong babae sa tapat ng Sangguniang Panlalawigan Building sa Brgy. Kumintang Ibaba, Batangas City, alas-4 ng hapon Huwebes nang lapitan at barilin sa likod ng suspek.

Agad tumakas ang suspek subalit di pa man nakalalayo ay inabutan ito ng mga rumespondeng elemento ng Batangas Provincial Order and Safety Services at Batangas Provincial Police Office.

Pinaputukan ng suspek ang mga tumutugis kaya gumanti ang mga awtoridad hanggang sa mapatay ang una, ayon kay Protacio.

Nakilala sa pamamagitan ng mga ID ang suspek bilang si dating Pfc. Jonathan Pagaspas Angon, 34, tubong Jasaan, Misamis Oriental. — John Roson

SAMAR

Brgy chair arestado sa kasong murder

NAHULOG sa kamay ng mga awtoridad ang isang barangay chairman na matagal nang wanted dahil sa kasong murder sa Samar, iniulat ng pulisya kahapon.

Kinilala ni Police Regional Office 8 (Eastern Visayas) spokesman Senior Supt. Emmanuel Cubillo ang suspek na si Nicanor Moloboco, 37, chairman ng Brgy. Canhumawid sa bayan ng Gandara.

Nahuli si Moloboco dakong alas-6 ng gabi noong Miyerkules sa kalapit na barangay ng Brgy. Burabud.

Inaresto ito base sa warrant of arrest na inisyu halos tatlong taon na ang nakaraan ni Gandara Regional Trial Court Branch 41 Judge Rosario Bandal para sa kasong murder. — John Roson

SURIGAO DEL SUR

Kelot tinaga, patay

PINAGTATAGA hanggang sa mapatay ng mga di pa kilalang salarin ang isang 58-anyos na lalaki at itinambak ang kanyang bangkay sa gilid ng kanyang bahay sa lalawigan ng Surigao del Sur, iniulat ng pulisya kahapon.

Natagpuan ng isang kapitbahay noong Miyerkules ng tanghali ang bangkay ni Emeliano Dalagit, 15, metro lang ang layo mula sa bahay ng huli sa Sitio Upper Bunawan, Brgy. Maitum, bayan ng Tandag, ayon kay Police Regional Office 13 (Caraga) information officer Chief Insp. Nelly Villagarcia.

May mga taga sa ulo, nakagapos ang paa’t kamay, at nabubulok na ang bangkay ni Dalagit nang makita, sabi ni Villagarcia sa kanyang ulat.

Inaalam pa aniya ng Tandag Police ang pagkakakilanlan at motibo ng mga salarin. — John Roson

Share

Related Stories

Other Stories

Bandera

Basahin ang kumpletong balita at maiinit na chika sa Bandera. Para sa mga taga-Metro Manila, maaari kayong bumili o mag-subscribe sa Bandera. Tumawag lamang sa 8902351.

Back to top ^

Article Services

  • Reprint
  • Print
  • Send as E-mail
  • Feedback
  • Comment
  • Share
 

Hottest Tags