Quantcast

Mainit-init Pa

You are here: Home > Balita > Mainit-init Pa

 

Judy Ann 2 buwan buntis

Judy Ann 2 buwan buntis

Bullseye po! Gumagana si manoy! – Ryan

NAG-REACT na si Ruffa Gutierrez tungkol sa isyung kaya raw siya nag-iiyak sa dressing room ng The Buzz dahil that time nga raw nakarating sa kanya na kumpirmadong magdyowa na raw sina John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao.

Ayon sa mga bali-balita, sobrang na-hurt daw si Ruffa sa nasabing kumpirmasyon kaya naging emosyonal ang TV host-actress na hindi niya naitago habang nagho-host siya sa The Buzz. Kaya mali raw ang naglabasang chika na nag-walkout si Ruffa sa The Buzz dahil kay Kris Aquino.

Ayon naman kay Ruffa hindi raw siya apektado kung magdyowa na nga sina John Lloyd at Shaina. Hindi raw siya nakikialam sa personal life ni John Lloyd, pero aminado siya na magkaibigan pa rin sila ng aktor.

“Magkaibigan pa rin naman kami. We still keep in touch. Kahit saan ako magpunta, Kahit saang network, hindi mawawala ‘yun. Walang balikan dahil wala naman kaming inaamin na naging kami,” ang reaction pa ni Ruffa.

Tungkol naman sa pagbisita ng kanyang ex-husband na si Yilmaz Bektas sa Pilipinas para dalawin ang kanilang dalawang anak, kahit daw tutol ang kanyang inang si Annabelle Rama sa pagkikita nila, e, wala naman daw magagawa si Bisaya dahil tatay pa rin ito ng kanyang mga kids.

Say ni Ruffa, mas mabuti na raw ‘yung in good terms sila ni Yilmaz para wala nang nega sa buhay niya, at para na rin daw ‘yun kina Lorin at Venice. Nirerespeto pa rin daw ni Ruffa si Yilmaz pero hindi na raw niya ito mahal, “Kaya nga sabi ko kay mommy, Don’t worry mom, wala nang balikang mangyayari!’

“What is important to me is ‘yung mapalaki namin ang mga bata nang maayos. Nagkausap na rin kami sa phone and he promised naman na magbibigay na siya ng support sa mga bata,” sabi pa ni Ruffa.

Anyway, tuloy na tuloy na ang pagsisimula sa April 4 ng Paparazzi, ang bagong show ng TV5 kung saan magkakasama bilang hosts sina Ruffa, Cristy Fermin at Mo Twister. Aside from that, may gagawin din siyang isang drama anthology sa TV5 kung saan iba’t ibang leading man ang makakasama niya.

Siguradong mag-eenjoy kayo sa episode tonight ng Who Wants To Be A Millionaire? ng TV5 dahil ang old flame ni Bossing Vic Sotto na si Coney Reyes ang sasalang sa hot seat.

Very good friends pa rin hanggang ngayon ang mag-ex na sina Coney at Vic, at magre-reunite ang dalawa on cam ngayong Sabado para sa isang nakaka-excite na gabi.

Alamin kung makukuha ba ni Coney ang loob ni Bossing para makuha niya ang P2 million-jackpot prize sa Who Wants To Be A Millionaire?, 6:30 p.m., bago ang pilot episode ng bagong season ng Talentadong Pinoy sa TV5 hosted by Ryan Agoncillo.

Speaking of Ryan Agoncillo, masaya nga nitong ibinalita kahapon (sa Eat Bulaga) na two months and four days nang buntis si Judy Ann Santos. Kahapon nang umaga ay nagpunta sa kanyang OB-gyne si Juday kasama si Ryan at doon nga nila nalaman na magkaka-baby na sila.

“Na-bullseye na po! Gumagana po si manoy!” ang tuwang-tuwang pahayag ni Ryan.

Ipinakita pa ni Ryan sa Eat Bulaga ang picture na kuha sa ultrasound na ginawa kay Juday. Siyempre, dahil nga two months pa lang ang baby sa sinapupunan ni Juday, e, hindi pa nila alam kung babae ito o lalaki. Pero sabi nga ng aktres, “Either boy or girl, okay lang po. Ang mahalaga healthy siya, kaya nga medyo bawas muna sa trabaho para walang maging problema sa paglaki niya sa tiyan ko. Tsaka para na rin sa health ko. Pero ina-assure ko naman po na tatapusin ko ang lahat ng commitments ko bago ako magbakasyon,” chika ni Judy Ann.

Biro pa nga ni Juday sa kanyang pagbubuntis, “Babae pala ako, tao pala ako, akala ko kasi robot ako, e!”

Sa tanong naman kung anong feeling ni Ryan ngayong magiging tatay na siya, “Ay naku, grabe! Sabi ko nga, baka hindi na ako makabangon ng maaga bukas dahil lasing na lasing ako sa sobrang katuwaan!”

Ayon naman sa isang nakausap naming malapit kina Juday at Ryan, mukhang mangosteen daw ang pinaglilihian ngayon ng aktres.

Nu’ng nagsu-shooting daw kasi si Ryan para sa isang bagong TV commercial, talagang kinulit-kulit daw ni Juday ang asawa para maghanap ng mangosteen.

Hindi lang sure ang aming source kung napagbigyan ng TV host ang kanyang misis. – eas

Share

Related Stories

Other Stories

Bandera

Basahin ang kumpletong balita at maiinit na chika sa Bandera. Para sa mga taga-Metro Manila, maaari kayong bumili o mag-subscribe sa Bandera. Tumawag lamang sa 8902351.

Back to top ^

Article Services

  • Reprint
  • Print
  • Send as E-mail
  • Feedback
  • Comment
  • Share
 

Hottest Tags