Quantcast

Mainit-init Pa

You are here: Home > Balita > Mainit-init Pa

 

Kris di kayang kontrolin ni Noynoy

Kris di kayang kontrolin ni Noynoy

Ruffa nag-sorry sa pamilya Aquino

AMONG the boxing champions na nakita namin, si Nonito Donaire nga ang hindi mo aakalaing isang boksingero dahil sa halos payat nitong pangangatawan, e, iisipin mo na ordinaryong mama lang ito.

Pero dahil sa USA nga nanirahan at nagsimula, iba ang aura nito at magaling din siyang magsalita kaya't nagmumukha itong guwapo sa paningin ng mga tao.

Siya at ang asawa nitong si Michelle ang latest endorsers ng skin clinic na Mikaela dahil bukod sa pagiging banidosa ng mga ito, ay talaga palang nasa sistema na nila ang pagpapaayos at pagpunta sa spa to stay fit and healthy.

At dahil plano ngang mag-showbiz ng mag-asawa (take note, kapatid na Ervin, marami raw ang nang-eengganyo sa kanila na pasukin na raw ang acting) asahan pa nating mas magiging conscious na sila ngayon sa kanilang itsura.

In fairness, mas pogi naman si Donaire kay Manny Pacquiao at mas malakas din ang sex appeal nito at mas articulate pa kay Pacman. Yun nga lang, parang wala pa sa kanya yung masa appeal na punumpuno naman si Manny.

Hanggang sa mga sandaling ito ay mainit pa ring pinag-uusapan ang bangayang Kris Aquino-Ruffa Gutierrez with Annabelle Rama on the side.

Kahit na nga tinanggap na ni Ruffa ang sorry ni Kris, tila may nanganak na namang isyu kapatid na Ervin.

Paano kasi, sa pinakawalang statement daw ni Kris ay na-mention pa nito ang name ni Dingdong Dantes na posible diumanong isa sa mga dahilan kung bakit iba ang turing sa kanya ng ina ni Ruffa na si tita Annabelle. Parang pinalalabas daw ni Kris na dahil mas malapit siya kay Dingdong kesa kay Richard Gutierrez ay pinepersonal na siya ni Bisaya.

Hindi namin maintindihan kung matalino ba o nagtatangahan lang talaga itong si Kris? Hayun nga't pinupukol na siya ng kung anu-anong kanegahan at nadamay na rin ang kuya Noynoy niya na kumakandidato ngayon sa panguluhan, pero ano’t pati ang nananahimik na si Dingdong ay dinamay na rin niya na wala namang kinalaman sa isyu?

Tapos kapag nasisita at naiintriga, lahat na yata ng depensa at nalalaman niyang mga thought-provoking remarks sa mga librong nababasa niya ay bigla niyang ibabandera? Kung ayaw niyang humaba pa sana ang isyu sa pagitan nila nina Ruffa at tita Annabelle, sana’y nag-sorry na lang siya nang diretsahan then stop na! Tapos na du’n. Bakit kailangan pa niyang banggitin si Dingdong?

Nag-iisip pa ba itong si Kris o sadyang...hay, naku ewan! Tapos ngayon may drama pa siyang maninirahan na lang siya sa ibang bansa kasama ang kanyang mga anak if ever manalo ang kapatid niya sa eleksiyon?

Hello, hindi pa ba sapat ang mga nagawa niya in the past para supilin siya ng mga nakakatanda niyang kapatid? Just wondering, bakit parang wala ring magawa ang kanyang mga kapatid sa mga pinaggagagawa ni Kris, lalo na ang kanyang Kuya Noynoy? At hindi pa ako galit niyan, ha kapatid na Ervin! Ha-hahaha!

Kaugnay nito, nag-sorry na rin si Ruffa kay Sen. Noynoy Aquino dahil sa mga maaanghang na pahayag ng kanyang inang si Annabelle Rama. Nag-issue ng statement si Ruffa tungkol dito.

"My mom has nothing personal against Senator Noynoy and the Aquino family. She never attacked the good Senator's character. She just expressed what she was feeling at that moment. Just like you and I, my mom has her own perspective and we should respect that. After all, we do live in a democracy.

"To Miss Kris Aquino's family, loved ones and fans worldwide, I would also like to apologize kung nasaktan ang damdamin niyo. Misunderstandings happen among the closest of friends. Ang importante po, nagkakaintindihan na kami.

"To Senator Noynoy Aquino, in behalf of my mom and the entire Gutierrez family, we sincerely apologize kung nasali po kayo sa isang babaeng usapin. Being the gentleman that you are, you will most probably just brush this off and laugh at our crazy showbiz life. Let us put this episode to rest so you can focus on your campaign and everyone else can peacefully go back to work."

Share

Related Stories

Other Stories

Bandera

Basahin ang kumpletong balita at maiinit na chika sa Bandera. Para sa mga taga-Metro Manila, maaari kayong bumili o mag-subscribe sa Bandera. Tumawag lamang sa 8902351.

Back to top ^

Article Services

  • Reprint
  • Print
  • Send as E-mail
  • Feedback
  • Comment
  • Share
 

Hottest Tags