Quantcast

Mainit-init Pa

You are here: Home > Balita > Mainit-init Pa

 

COCAINE SALE SA TONDO

COCAINE SALE SA TONDO

Ni Marvin Balute

IBANG putahe sana ang matitikman ng mga adik sa Metro Manila, partikular sa Maynila, kung hindi nasakote ng mga elemento ng Manila Police District ang dalawang pusher ng cocaine sa Tondo kahapon.

Maliban sa bagong klase ng droga na matitikman ng mga su-gapa sa ipinagbabawal na gamot ay palugi rin umano ang magiging bentahan nito dahil kailangan itong idispatsa agad.

Aabot sa P8 milyon ang street value ng nasamsam ng mga pulis subalit P5 milyon lamang ito ibinebenta ng mga nadakip na suspek na sina Jolly Soriano Bangsa, 36, ng Signal Village, Taguig City at Leslie Nab Reyes, 27, ng Dasmari? Cavite .

Ayon kay MPD station 2 commander Supt. Ernesto Tendero, nadakip ang dalawa alas-9 ng umaga noong Linggo sa harap ng Tutuban Mall makaraang inguso ng isang asset ng pulis.

Napag-alaman na nagtungo ang asset sa Station Anti-Illegal Drugs ng MPD station 2 upang ipaalam ang presensiya ng dalawa sa mall. Naghahanap umano ang mga ito ng buyer ng bitbit nilang cocaine.

Agad na rumesponde ang mga tauhan ng SAID at naabutan ang dalawang suspek.

Nakuha sa dalawa ang isang kilong cocaine, na pinaniniwalaang bahagi ng bultu-bultong droga na itinapon ng isang dayuhang barko kamakailan sa karagatang sakop ng Samar na nakuha ng mga mangingisda pero hindi isinuko sa Philippine Drug Enforcement Agency.

Share

Related Stories

Other Stories

Bandera

Basahin ang kumpletong balita at maiinit na chika sa Bandera. Para sa mga taga-Metro Manila, maaari kayong bumili o mag-subscribe sa Bandera. Tumawag lamang sa 8902351.

Back to top ^

Article Services

  • Reprint
  • Print
  • Send as E-mail
  • Feedback
  • Comment
  • Share
 

Hottest Tags