Quantcast

Mainit-init Pa

You are here: Home > Balita > Mainit-init Pa

 

Obrero

Obrero

nabagsakan

sa jobsite,

namatay

NAMATAY ang construction worker nang mabagsakan ng precast na semento sa itinatayong high-rise building sa Ermita, Maynila kahapon ng umaga.

Ayon kay PO3 Jonathan Ruiz, namatay habang nilala-patan ng lunas sa Philippine General Hospital si Andres Pragata Jr., 51, ng Sapang Palay, San Jose del Monte City, Bulacan.

Nabatid na idinudugtong ng biktima at mga pamangkin na sina Jolanie Entrina at Nelson Pragata ang precast sa magkabilang dulo sa ika-siyam na palapag ng ginagawang Victoria de Manila Building sa Taft ave., nang dumulas ang hulmadong semento at bumagsak sa ulo ng biktima.

Agad na iniangat ng iba pang obrero ang precast at binuhat ang biktima, na noon ay humihinga pa.

Inaalam pa ng pulisya kung may pananagutan ang JB Construction, sub-contractor ng San Jose Builders, ang kompanya na kumuha sa biktima bilang obrero. —Marvin Balute

Share

Related Stories

Other Stories

Bandera

Basahin ang kumpletong balita at maiinit na chika sa Bandera. Para sa mga taga-Metro Manila, maaari kayong bumili o mag-subscribe sa Bandera. Tumawag lamang sa 8902351.

Back to top ^

Article Services

  • Reprint
  • Print
  • Send as E-mail
  • Feedback
  • Comment
  • Share
 

Hottest Tags