Quantcast

Mainit-init Pa

You are here: Home > Balita > Mainit-init Pa

 

Cytotec inalok sa pulis

Cytotec inalok sa pulis

DINAKMA ang babaeng vendor na nag-alok ng pitong pampalaglag na Cytotec sa babaeng di niya inakalang pulis pala sa Quezon blvd., Quiapo, Maynila.

Kinilala ni Chief Insp. Nicolas Pinon, ng District Special Project Unit, ang suspek na si Melanie Ces Gonzales, 33, ng V. Mapa st., Santa Mesa, Maynila.

Ayon kay Pinon, nakatanggap sila ng tawag hinggil sa patuloy na pagbebenta ng abortion pill malapit sa Quiapo Church, kaya nagtungo ang mga sekretang sina PO2 Christineblessy de Claro, PO1 Virgilo Noe at SPO3 Emmanuel Lopez sa lugar at naglibut-libot.

Nagkunwaring may hinihintay si De Claro sa kanto ng P. Paterno at Quezon blvd., nang lapitan ng suspek at alukin.

Umarteng nahihiya pero interesado sa pamparegla si De Claro hanggang sa alukin ito ng pitong Cytotec sa halagang P1,000.

Nang iabot ang Cytotec ay lumapit ang mga kapwa pulis ni De Claro. Kakasuhan ang suspek sa piskalya. —Marvin Balute

Share

Related Stories

Other Stories

Bandera

Basahin ang kumpletong balita at maiinit na chika sa Bandera. Para sa mga taga-Metro Manila, maaari kayong bumili o mag-subscribe sa Bandera. Tumawag lamang sa 8902351.

Back to top ^

Article Services

  • Reprint
  • Print
  • Send as E-mail
  • Feedback
  • Comment
  • Share
 

Hottest Tags