Quantcast

Action Line

You are here: Home > Opinion > Action Line

 

May kaparehong registry number sa birth certificate

May kaparehong registry number sa birth certificate

MAGANDANG ARAW! Matagal nang walang sagot ang mga sulat ko sa Local Civil Registrar. Kung saan-saan na rin ako sumusulat para makakuha ng aking certificate of live birth. Kaila-ngan kong makakuha nito dahil requirement ito sa aking pagreretiro.

Sumulat na ako sa National Statistics Office at ang reply ni Ms. Zenaida A. Pa-ngilinan, administrative aide III ng NSO noong March 21, 2006. Ayon sa kanya, pareho daw ang late registration ko at ni Mr. Roberto Guinto Jr. Pareho ang registry number na No. 2004-38. Ang sabi sa akin ay i-check ko ito sa Local Civil Registrar Office. Sumulat naman ako sa LCRO sa Minalin, Pampanga pero wala pa ring sagot hanggang ngayon.

Nawawalan na nga ako ng pag-asa na makakuha ng birth certificate. May sakit na ako at hindi ko na kayang mag-travel nang malayo. Kasama ng sulat kong ito ang aking medical certificate.

Nabasa ko ang column ninyo at nalaman ko na maraming tao na kayong natutulungan. Sana ay matulungan n'yo rin ako. Nagtrabaho ako bilang isang nursing aide sa Camp Navarro General Hospital, hospital ito ng mga sundalo dito sa Mindanao. Ipinanganak naman ako noong Agosto 18, 1948 sa Sto Rosario, Mimalin, Pampanga.

Nawa ay matulungan ninyo ako. Maraming salamat. May God bless you and your family. Umaasa ako sa inyong tugon.

REYNALDO TORRES MERCADO

Nursing Aide

Calarian, Zamboanga City

REPLY: Inilapit namin ang iyong problema kay Ms. Lourdes Hufana, director ng NSO Civil Registration Department.

Base sa kanilang ginawang beripikasyon, lumalabas na pareho nga ang registry number n'yo kay Mr. Roberto Guinto Jr.

Gumawa na ng request si Ms. Hufana kay Mr. Ruben C. Garcia, acting municipal registrar sa Minalin, Pampanga na magsumite sa NSO ng kopya ng naiwastong certificate of live birth. Ipinaalam na rin niya kay Mr. Garcia na dapat gumawa ng renumbering sa mga dokumento at iwasto ang nasa Registry Book.

Hiniling na rin ni Ms. Hufana kay Mr. Garcia na magsumite ng paliwanag ukol sa pagkakapareho ng registry number. Kasama rin sa kanyang ipinasusumite kay Mr. Garcia ang certified true copy ng mga pahina sa Re-gistry Book kung saan nagawa ang renumbering ng dokumento para sa pagpoproseso ng evalutaion at approval nito.

Ipadadala din naming muli ang iyong liham kay Mr. Garcia upang ma-follow up kung ano na ang nangyari sa request ni Ms. Hufana at kung makukuha mo na ang iyong certificate of live birth.

ACTION LINE

You may send your letters to any branch of JRS Express office nationwide, free of charge. Address it to Action Line, Inquirer Publications, Inc., Louie Prieto Press Building, Mascardo corner Chino Roces Sts., Makati City or you may fax your letters to telefax number 895-0967 or send it by e-mail actionline_naman@yahoo.com or rpaderes@bandera.ph

Share

Related Stories

Other Stories

Bandera

Basahin ang kumpletong balita at maiinit na chika sa Bandera. Para sa mga taga-Metro Manila, maaari kayong bumili o mag-subscribe sa Bandera. Tumawag lamang sa 8902351.

Back to top ^

Article Services

  • Reprint
  • Print
  • Send as E-mail
  • Feedback
  • Comment
  • Share
 

Hottest Tags